|
July 1, 2008 Heto na may Flu na nga ako. Napapansin ko talaga napakamalas ko ngayong 2008 dahil madalas akong magkasakit. Di naman ako ganito dati, as in hindi ako dinadapuan ng sakit, sisipunin man ako pero ilang araw lang. Pagrabe ng pagrabe na to, kelangan ko na yatang magpacheck-up talaga. Kahit masama pakiramdam ko kanina hinatid at sinundo ko pa rin si Julius sa nursery dahil wala namang ibang gagawa non kundi ako lang at wala talaga akong choice. Sa ngayon hindi pa ako nagkakafever pero sana naman wag na to mangyari. Wala pa akong ganang kumain. Inom na lang ako ng inom ng tubig. Bumili ako ng gamot ko kanina at sana talaban ako non dahil sa totoo lang hindi ako tinatalaban ng mga gamot, abay ewan ko kong baket basta napansin ko lang talaga! Hate ko talaga ang 2008!! Nweiz, kong sino man ang may TUMBLR dyan, visit nyo rin ako GELAH.TUMBLR.COM. June 30, 2008 Naiinsi ako kay V, kagabi pa. Nakatext ko kase sya kanina. Ang alam ko talaga e wala na kame kase nakipagbreak na ako non sa kanya. Tapos nong sinabi nyang “nong nagkabalikan na tayo”, wtf? Keyso ayun nga nong nagkabalikan daw kame e wala na syang ginagawang masama na ayaw ko tulad nong nakikipagflirt sya sa ibang babae. Ang alam ko talaga barkada na lang kame kaya yan ang sinabi ko na mas maganda barkada na lang kame pero hindi daw nya matatanggap. Tapos kong kelan okay na daw kame ngayon e saka naman na na hindi ko na sya mahal. E talagang wala na akong feelings sa kanya no, ung ginawa nya sa akin non na nakipaggf sa iba habang ako ay nandito sa malayo. Kaya sinabi ko sa kanya kanina na maghanap na sya ng iba. Nagpapatawag pa sya pero sinabi ko sa huling text ko sa kanya na hindi na ako tatawag sa kanya at huling text ko na un sabay may GUDBYE sa huli pero text pa rin sya ng text sa akin na kesyo mahal nya ako.. blah .. blah .. pero di na ako nagrereply.. Basta maliwanag na siguro sa kanya ngayon pero kong hindi bahala na talaga sya. Engot sya! Naiinis ako! |
|